Sorry ❤ Di kita na save

by Rose Villegas | shared on He Said, She Said |

Ang magmahal ulit.
Ang bagay na iniwasan kong mangyari
Dahil puso ko’y pagod ng masaktan
At takot ng mangyari ulit ang nakaraan.

Ngunit may isang ikaw.
Ikaw na nagpakita ng pagmamahal.
Pagmamahal na wagas at pagtanggap
Na syang aking hinahanap.

Pero tila, isang bagyo ang dumating
Nag iba ang ihip ng hangin.
Ako’y iyong iniwan na nakabitin,
Na tila damit na nakalimutang buklasin.

At iniwang wasak ang damdamin.
Di alam kung kailan mabubuo
Ang pira-pirasong puso ko
Na winasak mo ng sinabi mong
“Wala ng tayo, d kita minahal”
Tinanggap ko’t pinalaya ka,
Pinatawid kita, at pinilit maging masaya.

Hindi ko nailigtas ang puso ko
Mula sayo, na akala ko totoo.
Di ko alam na wawasakin mo ito.
Ngayon ako lang ang mag isang
Bubuo ulit nito at d ko na hahayaang
Mawasak pa ito ng sino man.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments