Sorry

by Zander Lloyd E. Lagatic |

Naaalala mo ba nung una tayong nagkakilala?

Ni hindi ko man lang pinansin kung sino ka talaga. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang mga alalaalang iyon, na nagbigay sa’kin ng puno ng saya.

Naaalala mo pa ba nung una tayong nag-usap? Ni hindi ko maisip na sa huli, ay magiging ganito pala. Hindi ko mapaliwanag ang dating mo sa akin, hindi ko mabatid ang nais kong sabihin. Isa akong taong nabuhay ng puno ng panlalait at kabiguan. Ngunit ikaw ang nagpakita sa akin na may’ron palang mundo ng kasiyahan.

Di ko pa rin malimutan ang mga ngiti mong pinakita sa akin, na tila ba’y tinatangay ako sa hangin. Matamis ang mga araw na nagdaan, ligaya ko’y walang mapaglagyan. Sa bawat pagkakataong kausap kita, ni hindi ko na napansin ang mga oras na nagdaan.

At dumating rin sa wakas, hindi ko na maintdihan ang nararamdaman ko. Yung tipong pag di kita nakikita, natutuliro ako. Sa bawat pag-ihip ng maginhawang hangin sa mga mata ko, ikaw at ikaw lamang ang naiisip ko.

Umabot na rin ako sa mga araw na nalito ako. Umamin ako ng pagmamahal ko sa’yo, at ang galing, wala lang pala sa’yo. Ang saya-saya ko nun kasi akala ko itataboy mo ako. Sabi mo sa ‘kin, walang magbabago. Sabi mo sa ‘kin, walang lalayo.

Ngunit pagkatapos ng isang linggo, bakit bigla kang nagbago? Bakit ka biglang lumayo?

Di ko na malaman ang gagawin ko. Gabi-gabi umiiyak ako, nagmamakaawang huwag iwan ako.

Lumipas ang ilang buwang di kita nakita. Di nakasama, nakausap, o kahit man lang sa panaginip, wala nang pag-asa.

Ngunit bigla akong nakaramdam ng saya. Nagparamdam ka sa ‘kin at nagpaliwanag ka. Nagkaroon ka lamang ng problema, ngunit sa akin, di na yun mahalaga. Ang mahalaga, ‘andito ka. Ang mahalaga, makakasama na kita. Ang mahalaga, mahal kita.

At bumalik sa dati, at mas lalo pang sumaya. Mas lalo ka sa ‘king nagtiwala, pinakita mo sa akin na mayron din pala ako sa’yong halaga. Sinuportahan kita sa lahat ng iyong mga problema. Pinapasaya kita sa tuwing malungkot ka. Pinatunayan ko talagang mahal kita.

Dumating isang araw, nagulat ako bigla kang nagalit. Di lang pala kita nakausap ng saglit, ganyan ka na sa ‘kin?
Kaya puso ko tuloy biglang napaisip, may pagmamahal ka na rin ba para sa ‘kin?

Nagwawala ako sa sobrang saya. Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gusto kong ipagmalaki sa lahat na minahal din ako ng taong pinaghirapan ko.

Mula noon ay umpisa nang nangarap ako. Na magpapakilala ako sa magulang mo, na ipapakilala rin kita sa magulang ko. Na bubuo ng pamilya kasama mo, at mamamatay sa tabi mo. Nangarap din akong yayakapin kita sa tuwing may tampo ka, at ituturing kang parang prinsesa.

Ngunit ilusyon lang pala lahat ng iyon. Bigla akong nakareceive ng text mula sa’yo na mahal mo pa rin siya. Dalawang bes mo pa pinadala, pambihira parang nanadya. Sumunod na gabi ay nagpadaan ka ulit, pero ang lama’y pag-aalala tungkol sa kanya. Wala nang text, ni chat ang nakuha ko sa’yo magmula noong araw na iyon.

Hindi man lang ako naging handa na iiwan mo ako agad sa ere ng ganon. Parang gumuho ang mundo ko magmula ng araw na yon. MAS LALO KONG TINANONG KUNG ANO BA ANG MALI SA SARILI KO?!

Di ko man lang alam kung paano, basta iniwan mo ako. Sana nagpaalam ka. Sana di mo ako binigla. O di kaya’y sana, nung una palang sinabi mo na.

Kaya sa huling pagkakataon, hihingi ako ng kapatawaran sa’yo. Sa lahat ng katangahan ko! At sa lahat, ng ginawa ko para sa ‘yo.

Sorry kung lagi akong nangungulit sa’yo. Sorry kung nagdedemand ako, hindi naman tayo. Sorry kung masyado akong paepal. Sorry nagkagusto agad ako sayo ng ganun kadali. Sorry kung napipilitan kang sakyan ako sa tuwing sinasabi ko sayo kung gaano kita kamahal. Pero sa likod ng katotohanang iyon, ay pinapahalagahan mo lang ang friendship natin.

Sorry kung di ko s’ya kayang higitan o kahit pantayan man lang. Sorry kung di mo ako kayang mahalin ng kung paano mo sya minahal. Sorry di ko mapatunayan kung gaano kita kamahal. Sorry kung masyado akong attached sayo, samantalang ako, kaibigan mo lang. Sorry kung pinasanay kitang kinukuklit na kapag tinigil ko, naiinis ka.
Sorry kung simula ngayon, di ko na mapoprovide ang mga bagay na hinahanap mo sa kanya. Sorry kung sinusuko na kita. Sorry nawalan na ako ng pag-asa.

Alam ko naman na hindi talaga ako para sa’yo at wala lang ako sa ‘yo. Pero sana kung may mangyari sa’kin, wag kang maguilty dahil hindi ito tungkol sa’yo, problema ko na ‘to. Alagaan mo sana ang sarili mo at ang taong mahal mo. Kahit saan ako mapunta, ipagdadasal ko kayo. Mabuhay kayo ng masaya at payapa para ganun na rin ako. Mahal na mahal kita. Sa huling pagkakataon, nagpapasalamat akong nakilala kita. Dahil sa’yo marami akong natutunan, at naging dahilan ko para maging masaya ng panandalian.

Hanggang dito nalang ako, mamahalin ka mula sa malayo. Hanggang ako’y makatulog, sa panaginip, magkita tayo.
Doon ay ibibigay ang buong pagmamahal ko, na inilaan ko lamang para lang sa’yo.

Contributed to He Said, She Said.

Comments Go Here ▼

Comments