Sulat Ko Sa ‘Yo Mahal

Sulat Ko

ni Gene Han

Bakit sa bawat tulang sinusulat,
Pag ibig mo ang naisisiwalat
Bakit sa bawat salitang binibigkas
Ang katangian mo ay walang kasing likas?

Bakit sa bawat librong nagagawa
Buhay mo ang nailalathala
Bakit sa bawat pintig ng puso
Ang lahat ay napapaso?

Mahal, Gustong-gusto kong lumayo
Pero hindi ko kayang tumayo
Kasi Gusto ko lang maging maligaya
Na ikaw ang kasa-kasama,

Gusto ko lang talaga ang mahalin ka
Gusto ko rin na mahalin mo ako
Pero hindi ko kayang magsalita
Kaya sinulatan kita ng tula.

Mahal, hiniling kita sa kanya
Makasarili na ba talaga ako?
Kung hihilingin ko din sa ‘yo na pwedeng ako na lang?
Kasi pangako hindi kita iiwan at sasaktan.

Comments Go Here ▼

Comments