Tagu-Taguan

by Raven Kate Austria | shared on He Said, She Said |

Maglalaro tayo.
Pero hindi na katulad ng dati.
Kasi sa pagkakataong ito – Ikaw naman.
Ikaw ang taya.
Ikaw ang pipikit
Ikaw ang mangangapa.
Ikaw ang maghahanap.

Bibilang ka.
Isa hanggang umabot ka sa sampu.

“Isa”.
Sinimulan mo.

“Dalawa”.
Napatigil ako.

“Tatlo”.
Pinag-iisipan kung saan magtatago.

“Apat”.
Heto padin at nakatayo.

“Lima”.
Susubukang humakbang palayo.

“Anim”.
Pinagpatuloy mo ang pagbilang.

“Pito”.
Mag uumpisa akong tumakbo palayo.

“Walo”.
Sa luma at dating taguan ako tutungo.

“Siyam”.
Malapit ka na sa dulo.

“Sampu”.
Tulad ng nakasanayan, ako ulit ang talo.

Naglaro tayo.
Pero katulad pa din ng dati – Ako ulit.
Ako ang taya.
Ako ang pipikit.
Ako ang mangangapa.
Ako ang maghahanap.
Ako ulit ang talo. -Ako, paulit-ulit.

Comments Go Here ▼

Comments