Tama na, Ayoko Na

by Snorlax | shared on He Said, She Said

Sa libu-libong tao sa mundo,
Hindi ko lubos maisip kung bakit nagmahal ng tulad mo.
Tulad mo na walang ginawa
kundi saktan lang ako ng harap-harapan.
Tulad mo na walang alam sa tunay kong nararamdaman.

Sabi ko sa sarili ko tama na yung nasaktan ako noong una.
Sabi ko, hindi. Hindi ko na hahayaang muli
na humantong sa wala ang nasimulang pag-ibig.
Pero sabi ko rin sa sarili ko..
Okay lang.
Okay lang na hanggang dito lang.
Okay lang na kaibigan lang ako.
Okay lang basta masaya ka, masaya siya… Masaya tayo.

Pero akala ko kaya ko pang pigilan ang lahat
ng nararamdaman sa tuwing magkasama tayo.
Akala ko kaya kong hindi masaktan kapag magkasama kayo.
Akala ko.
Akala ko hinding hindi ako maaapektuhan
ng mga ngiti mo na sana’y ako na lang
ang naging dahilan ng mga ito.
Akala ko.
Akala ko okay lang ako.
Pero hindi.
Hindi ko na alam kung ano pa nga ba dapat
ang maramdaman kapag magkasama tayo.
Yung mga tingin mo na nasa malayo kahit na ako ang kasama mo.
Yung puso mo.
Yung puso mong alam kong pagmamay-ari na ng iba
na simula pa dati’y hinahangad ko na.
Simula pa noo’y hinihiling ko na. pero ano
patuloy at patuloy ko pa ring ipinagdadasal ngayon sa itaas
na sana sa kin’ nalang. Na sana ako nalang.
Na sana mapansin mo rin
ang matagal ko nang itinatagong pagtingin.
Na sana sa akin ka nalang.

Na sana sa akin ka na lang dahil alam kong
hinding hindi kita sasaktan.
Pero mahal. Mahal, ayoko na.
Dumating na ako sa parte ng buhay pag-big kung saan sumuko na.
Dumating na yung oras na akala ko hinding hindi na darating pa.
Nandito na tayo sa puntong sobrang tanga ko na.
Sa sobrang tanga hindi na alam kung ano pa nga ba ang tama.
Sa sobrang tanga na ako na mismo pala
ang nagtutulak sa iyo papalayo pero papalapit sa iba.
Na sa sobrang tanga, hindi ko na alam ang pinagkaiba ng iyak sa tawa.
Na sa sobrang tanga, tinitiis ko na lahat kahit ang sakit sakit na
Na sa sobrang tanga, handa akong gamitin mo habang ikaw
ang nasasaktan dahil sa iba.
Na sa sobrang tanga, hindi ko na man lang inisip
ang sarili ko. Na sa sobrang tanga, alam kong sa kabila ng lahat

sa pait ng kapalaran.. sa walang kwentang tadhana
sa sakit na naramdaman.. sa sampal ng katotohanan
at realidad, alam na alam ko sa aking sarili
na mahal na mahal parin kita.

Pero tama na sana ang pag-aruga sa puso ko, mahal.
Tama na sana ang pagbibigay ng katiting na pag-asa.
Tama na rin sana ang pagbubulag-bulagan at pagiging hangal.
Dahil sobra-sobrang sakit na ang pinagdaanan nitong puso
nitong puso na ilang beses nang pinagpira-piraso.
Mahal, hinding hindi ko na yata
kakayanin pang ipagpatuloy ang pag-ibig na ito..

Ang pag-ibig na pilit mo nang tinatapos
kahit na gusto ko pang simulan.
Ang pag-ibig na pilit mo nang tinatapos,
dahil alam mo … alam mong kahit ilang beses
pang umihip ang tadhana.
Hinding hindi kailanman tayo magkakaroon ng simula.
Mahal, ayoko na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments