Tama Na, Tapos Na

by Alhea Shaira Tigas | shared on He Said, She Said |

Mahal, nang sabihin mong suko ka na
Unti-unti akong nanghina
Nang malaman kopa ang dahilan na
Mayroon ka pa lang iba
Biglang nag-iba at nawalan ng sigla

Hindi ko alam mahal,
kung Saan ako huhugot pa ng lakas
Nang sabihin mong
“itigil na natin ito, hindi na ‘ko masaya ”
Para bang biglang natabunan
ang masayang nangyari sa tagpuan

Alam Kong Hindi ako nagkulang sa relasyong
Ako lang din naman ang lumalaban
Mahal Hindi ba p’wedeng sa oras na ito
ikaw naman ang sumabak sa laban ?

Mahal kita ngunit wala kana
Umalis kana at may iba kana
At alam Kong Hindi kana babalik pa
Hindi ko inasahan na dadating ako
sa puntong palalayain din kita
Ikaw na ang gumawa ng hakbang
para ang ating relasyon
ay magkaroon na nang hadlang

Mahal, dapat paba kitang tawaging mahal?
Ngayon bibitawan na din kita,
masakit pero kailangan tanggapin
dahil ang totoong pagmamahal ay ang pagpaparaya
sa taong gusto nang maging malaya,
at muling lumigaya sa piling ng iba.

Mahal kita ngunit paalam na
Hindi ko na kayang makita na
Ma’y iba ka na.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments