Tanga Ako

tanga

ni Nuo

Tulad ng pamagat, oo, tanga ako
Walang patumpik-tumpik, sagot ko’y oo
Walang alinlanga’y aminado ako
Walang ano-ano’y tinanga mo ako

Minsan lang maging tanga ang kagaya ko
Ngayon lang, sa taong iniwan ako
Sa taong walang pakundangang sinaktan ako
Na kinalimutan at hinayaan nalang basta ang gaya ko

Masakit pa rin, makirot pa rin
Ngunit ngayon? Kaya ko nang kontrolin
Kaya na kitang balewalain
Kaya ko ng hayaan ang aking mata sa ‘yo’y tumingin

‘Nung minsan nga nagparamdam ulit ako
Naisip ko ulit magdrama sa ‘yo
‘Di ko nakontrol sarili kong sabihin ang nais ko
Ngunit yon, nagtanga-tangahan ulit ako

Kinamusta kita, sinabi ko lahat
Alam mo ba kung nasaan ako ‘nun?
Nasa loob ng pampasaherong bus habang tinitingnan ng aking katabi na sumisingot

Ang tanga ko pala! Hahaha
Ika’y mabuti at sabi mo pa’y masaya
Di ako ganito noon
Ni minsan di ako naiyak sa pampublikong lugar dahil sa lungkot
Ngunit ngayon naging tanga ako dahil sa ‘yo

‘Nung nakaraan nama’y nakasalubong kita
Kinabahan ako, pero ang lakas ko
Di ko nagawang lumingon sa ‘yo

Ang tangang kagaya ko’y balewala
Tingin ng iba’y makasalanan at walang k’wenta
Usap-usapan nila’y pag-iwan mo’y tama
Tama lang sa kagaya kong tanga

Tama na, ayoko na, last ka na
Mga salitang umiikot sa aking isipan
Tama na yung sakit, tanggap ko na
Ayoko na magpakatanga, ‘wag ka mag-alala
Last ka na, at mas mabuti pang mamuti ang mata,
sa kahihintay sa taong sa aki’y itinakda.

Comments Go Here ▼

Comments