Tanggap ko na

by DayanaraBreis | shared on He Said, She Said |

Tanggap ko na. Pero marami paring katanungan ang bumababag sa aking isipan

Nung araw na iwan mo ko. ay araw kung saan naiwan ko rin ang sarili ko. Naiwan sa kawalan. Napuno ng mga katanungan.

Matagal ko ng hinanda ang sarili ko sa gantong sitawasyon. Pero bakit nung aktwal na ay akin paring kinuwestiyon.

Wag na tayo magkita. Yan lang ang iniwan mong mga salita. Walang kahit anong paliwanag. Bigla mo nalang akong iniwan ng walang kahabag-bahag.

Kaya ayoko ng nagiging sobrang masaya. Dahil alam kong ang kasunod nito ay kalungkutang walanghiya.

Tanggap ko na. Pero marami paring katanungan ang bumababag sa aking isipan.

Pilit kong sinsabihan ang puso na tama na. Itigil mo na ang kabaliwan mo dahil ayaw na nya. Pero kahit anong pilit ay hindi pala matuturuan ang puso. Huwag magmadali, sabi ng aking isip at ang daan palabas sayo ay aking ituturo.

May mga araw na bumabalik ang ating masasayang ala-ala. Tuwing makakakita ng mga bagay na dati nating ginagawa ako ay napapatulala.

Magiisip nanaman kung ano bang nagawa kong mali para maghanap ka ng iba. Kung bakit isang araw nagising nalang ako may kapiling ka ng iba.

Katulad ng linya ni Liza na: Panget ba ko? Kapalit-palit ba ko? Ay kasabay ng patanto ko na: Oo nga panget nga pala ko kaya ganun ako kadaling pinagpalit.

Yung puso ko na buong buo kong binigay sayo, bigla nalang nawasak. Yung dating ako na masayahin at makulet, mas kumapit nalang sa luha at alak.

Maraming salamat sa lahat. Mahal kita datapwat kailangan ng kalimutan ang lahat.

Gigising ako ng wala kang mensahe. Hindi kita maalala kapag ako ay nasa byahe. Magiging masaya ako ng di ka kasama. Ibabalik ko ang dating ako dahil ‘yun ang tama.

NAIWAN KO ANG SARILI KO simula nung iniwan mo ako. Pero eto ako bumabangon para buuin ulit ang sarili ko. Malaya kana dahil… TANGGAP KO NA.

P.S. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa taong tatanggap sa ‘kin ng walang pagpapanggap. Sa taong iintindihin ako sa lahat ng aking kabaliwan ng walang pag-aalinlangan. Sa taong mamahalin ko at mamahalin ako. See you soon my future!


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments