mahal-kita

Tanging Hiling

by Precious Galabo | shared on He Said, She Said |

Daan-daan, libu-libo, milyon-milyong kahilingan.

Ilan na nga ba sa mga ito ang natupad? Ilan pa sa mga ito ang nilipas na ng panahon kagaya ng iyong edad? At alin naman dito ang katang-tangi at pinakahinihintay mong matupad?

Ginoo, hayaan mong sabihin ko ang hiling kong ito. Hayaan mong maipahayag ko ang saloobin ko sa pamamagitan ng tulang ito. Simula pa lang ay pinangarap ko na, na sa buhay mo sana’y maging ako ang una. Ako ang iyong prayoridad, kahit pa marami kang responsibilidad. Na sana kahit ano pa mang mangyari, ako pa rin hanggang huli.

Inakala kong makukuntento ako, pero hindi, ang reyalidad at ekspektasyon ko’y malayo. Akala ko ay magiging sapat na, pero hindi pa rin pala. Akala ko’y magiging maayos na ito para sakin, ngunit bakit tila may kulang pa rin. Inakala ko ring sapat na sa aking maging mahalaga, subalit may hinihiling pa pala.

Ngayon sinta, bakit habang binabasa mo ito, mukha mo’y hindi maipinta? Ano ang iyo hinuha? Nakukuha mo na ba? Mga mensaheng sa kaibuturan pa ng aking puso nagmula. Ano na? Sasabihin ko na nga ba?

Sinta, ito lamang naman ang tangi kong hiling, ito lamang ang nais na iparating. Dahil pagod na kong maging tanga, sawa na kong maging pangalawa.

Mahal, ayoko na. Ayoko nang maging mahalaga, gusto ko namang marinig mula sa ‘yo ang mga katagang “Mahal kita.”


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Precious Galabo | shared on He Said, She Said | Daan-daan, libu-libo, milyon-milyong kahilingan. Ilan na nga ba sa mga ito ang natupad? Ilan pa sa mga ito ang nilipas na ng panahon kagaya ng iyong edad? At alin naman dito ang katang-tangi at pinakahinihintay mong matupad? Ginoo, hayaan mong sabihin ko ang hiling …

Review Overview

User Rating: 4.6 ( 1 votes)
0