Tangis

by April Dianne | shared on He Said, She Said

Iiyak mo lang lahat sa langit.
Lahat ng sakit at pait ng kahapon.
Ang iyong mga mata’y mapapagod
Sisikip ang dibdib sa sobrang sakit
Na ang isang paraiso’y naging isang
gubat na puro pasakit at luha ang dulot.
Sobrang sakit wala ka ng luha pang mailuha
Sapagkat ika’y nagkamali ng umibig
sa huwad na nilalang na akala mo’y ang dulot ay langit
Pait ng kasalanan ng ikaw ay linlangin at sa iba’y bumaling.
Tumangis ka hangang sa ika’y maging manhid.
Makalimot sa nakaraan na labis ang sakit.
Lisanin ang lugar kung saan ikinulong ang sarili
sa huwad na katotohang ika’y di niya tapat na iniibig!


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePuwede pa ba?
Next articleTali