tapos-na

Tapos Na, Tama Na

by Liz Barrameda | shared on He Said, She Said |

Para kang petsa sa kalendaryo na paulit-ulit kong tititigan
Hanggang sa magsawa ako
Hanggang sa maniwala ako
Na ganun lang natapos ang araw, buwan
Bawat segundong pinagsamahan
Na sa isang iglap ay panibagong araw na naman ang haharapin
Wala nang bukas na merong TAYO
Wala ka na, sumuko ka

Paulit-ulit kong tititigan ang petsa sa kalendaryo
Habang paniniwalain ang sarili
“Tapos na. Tama na.”

Tititigan ko dahil sa nais na mabura ang petsa sa kalendaryo
Gaya ng kagustuhan kong mawala ka na sa isipan ko
Hanggang sa maglaho na lang ang lahat ng sakit na idinulot mo
Mahal, maaari bang palayain mo na rin ang puso ko?

Itong puso na patuloy pa ring nakakapit
Sa higpit ng yakap sa nakaraan
Sa halik ng bawat tamis ng salita
Sa bangungot ng mga alaalang ikaw at ako
Tayo lang sana pero nawala

Didinggin ko pa sana ang isinisigaw ng puso
Ngunit wag na.
Dahil kung ano ang ninanais ko
Siya namang pag-ayaw mo

Ang pag-alis ko ay ang paglaya mo
Ang pagkirot ng pusong ito ay ang paggaan ng dinadala mo
Ang mundo ko ay isa na lamang na panaginip mo

Ang mundo ko.
Ang pag-ibig ko.
Ang pag-ibig na matagal ipinaglaban
Ipinagtanggol sa kahit na sino
Pag-ibig na isang nobela, istorya
Na naisulat na ang katapusan
Na narating na ang dulo
Na di mo na maibabalik at mababago

Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Liz Barrameda | shared on He Said, She Said | Para kang petsa sa kalendaryo na paulit-ulit kong tititigan Hanggang sa magsawa ako Hanggang sa maniwala ako Na ganun lang natapos ang araw, buwan Bawat segundong pinagsamahan Na sa isang iglap ay panibagong araw na naman ang haharapin Wala nang bukas na merong TAYO …

Review Overview

User Rating: 4.83 ( 2 votes)
0