Tapos na Tapos na Ako sa ‘Yo

Tapos na Tapos

ni ICV

Kasabay ng pag lubog ng araw ay sya ring pagkawala ng lahat ng sakit,
Sakit na aking tiniis mula ng ika’y lumisan
Sa wakas, masasabi kong tapos na ako,
Tapos na tapos na ako sa ‘yo.

Nang muli kitang makausap inoobserbahan ko ang sarili ko,
Anong nararamdaman ko? Ano nga ba ang dapat maramdaman?,
Wala, sa wakas, wala na akong naramdaman
Wala na akong nararamdaman sa ‘yo,

Tuluyan ko nang natanggap na wala na kong nararamdaman para sa ‘yo,
Naghilom na ang sugat na iniwan mo,
Naghilom na ang puso kong patay na patay sa ‘yo,

Sa wakas nagawa ko ng kalimutan na minsan mo akong napasaya,
Ang ating mga alaala’y nakaguhit na lamang sa nakaraan,
Masasabi kong malaya na ako sa anino mo
Malaya na ako sa lahat ng maaaring maging koneksyon sa ‘yo.

Malaya na ang puso ko,
Malaya na ang sarili ko,
Malaya na ako.

Salamat.

Comments Go Here ▼

Comments