Tapos Na

ni Jasmine Consignado |

Tapos na.

Inaamin ko sa huling pagkakataon, mahal kita. Mahal kita kahit nagawa mo akong iwanan. Mahal kita kahit ipinaramdam mo sa akin na mas mahalaga ang kaibigan mo kaysa sa akin. Mahal kita kahit ano pang nagawa mo. Mahal kita kasi ikaw ang taong minahal ko ng sobra kahit na nasasaktan na ako.

Pero pagod na ako. Tapusin na natin ito.

Mali pala, matagal mo nang tinapos kaya tatapusin ko na din, isasara ko na ang libro na tayong dalawa ang bida ng kwento. Pero bubuksan ko ang puso ko na patawarin ka sa oras na humingi ka ng pasensya.

“Tapos na ang kuwento nating dalawa pero patuloy pa rin ako sa pag usad na may taong mas mamahalin ako kaysa sa mahal ko siya.”

Comments Go Here ▼

Comments