Tayo

by Jennifer Medul | shared on He Said, She Said |

Puso’y umaasa na babalik pa
Yung dating tayo dalawat masaya
Tila sayo’y wala ng halaga
Kinalimutan na lang ng basta-basta

Ako’y nakakapit pa
Sa pangarap na binuo
Sa pangako na walang iwanan
At magkasama habang buhay

Akoy nakiusap baka sakaling maayos pa
Tanung sayo’y
“May nagawa bang mali
halikat itama natin upang ang tayo ay di magtapos ng ganito kadali”
Ngunit mundo’y huminto sa sambit mong
“Tapos na, patawad, patawad, patawad, paalam.”

Salitang tumatak
Sumisiksik sa puso’t isip
Na katumbas ay walang kasing sakit
Nais magalit ngunit di matiis
Pagmamahal sayo’y mas higit

Kailan kaya masasambit ang katagang
“Bibitaw na, hindi na hahabol pa, Paalam”
Kailan kaya matatanggap
Na ang ako’t ikaw ay tapos na
Tapos na! Tapos na!
Na ang “Ako” na lang ang natira sa salitang “Tayo”
Ako na lang
Wala ng ikaw
Wala ng tayo.


Feel free to send in your essays or poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePuwang
Next articlePaglisan