Tayong Dalawa

by Ken N. Dra | shared on He Said, She Said

Ako, ako na nahihirapang mag-isip,
Ako na laging bumubuo ng larawan,
At ikaw na tumatanggap ng sakit,
Ikaw na ginawang libangan ang masaktan

Ako, ako na kayang kontrolin ang lahat
Sumayaw kumanta at ibuhos ang iyak
Ngunit ang kakayahan ko sayo ay di sapat
Ikaw, ikaw na hndi alam ang salitang “Tiyak”

Minsan, subukan mo ako ay pakinggan
Tiwala mo ay hindi masasayang
Gagawin ko ang lahat
Mapabuti ka lamang,

Isa ako sa nahihirapan kapag ikaw ay malungkot
Lagi mong sambit “ang sakit, may tumusok”
Kaya ngayon alam ko na,
Nandito lang ako, Puso ako na!
Nandito na si Utak, tutulungan kita!


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments