Torpe Daw Ako

by JDC | shared on He Said, She Said

Tawag sa lalaking hindi kayang ipagtapat
sa kanyang minamahal ang nararamdaman.
Yan ako. Tanga. Duwag. Bobo.
Pero minsan may dahilan talaga na kaya
Di mo masabi ang nararamdaman
na baka ayaw mo lang masaktan
o dahil nakikita mo na sya na masaya sa piling ng iba.

Kung puwede lang siguro ma reborn sa future. Haha.
Legend of the blue sea lang p’re?
Pero kung mangyari nga.
Ang torpeng to ngayon,
ay sasabihin nang buong tapang ang nararamdaman doon.
Yung kayo dito sa mundong ‘to,
ay magiging tayo sa pinapangarap ko.
Yung ngayon na magkasama kayo palagi,
ay tayo hanggang sa huli.
Baguhin ang lahat nang katangahan ngayon.
Para maging karapat-dapat sa ‘yo sa gusto kong panahon.
Kaya lang imposible eh.
Pero kahit anong mangyari. Ay nandito lang ako palagi.
Sisikaping mapigilan ang pintig nang puso na gustong isigaw,
Ang bawat letra na bumubuo nang iyong pangalan.
Paalam na salitang di natin kailangan
at hindi ko hahayaang tayung dalawa ay magkawalay.
Palagi kang may karamay.
Hawakan mo aking kamay.
Halika.

“Mahal kita!”
“BESFRIEND.”


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleViola
Next articleUgnayan