Traffic Ba Talaga Mga Bes?

by Shine Lum on He Said, She Said |

Here’s my treat for single ladies out there waiting in vain sa forever nila.
Happy Valentines He Said, She Said!

Ang sabi ng mga kaibigan ko,
“Chillax ka lang bes… maghintay ka lang… baka na traffic lang si Mr. Right?”
“Mga bes sure ba kayo?”

Parang kinakabahan na ako bes, magsasampung taon niyo na akong pinapayuhan.

“Traffic pa rin ba mga bes?”
Saang banda ba siya na traffic?
Saang lupalop ba siya naroroon?

Subukan ko kaya manawagan o di kaya ipa bayan patrol.
Baka ano na ang nangyari sa kanya at inabot talaga ng isang dekadang paghihintay.
Baka natokhang na siya bes o may traffic violation.
Baka nasiraan ng kotse o walang pang gas, bes.

Nakakabaliw na minsan,
Tumatakbo ang oras,
Ang edad nadadagdagan,
Nakikipag kompetensya pa talaga sa bilang ng araw,
Pambihira nga naman talaga… nanalo pa ako! nilagpasan ko na ang kalendaryo mga bes.

Naiwan na ako ng panahon,
Kumukulubot na ang aking balat.
Nasaan na siya?
Aasa pa rin ba ako mga bes na darating siya?

Kumapit pa talaga ako,
Kumapit sa pag-asa,
Na natraffic lang siya,
Pero wala…

Sampung taon?
Sampung taong pagaantabay ng balita,
Pagaantabay na walang napala.
Mata’y namumuti nalang, walang kumakatok… walang nag doorbell.
Naghihimutok at balisa na magugunaw na ang mundo.

Sa aking agam agam
Na traffic ba talaga mga bes?
O baka nakasagasa ng magandang dilag at hindi lang delayed ang trip…
Cancelled na mga bes.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments