Trisha

by MN | shared on He Said, She Said |

Yan ang papel na ginagampanan ko sa istorya ninyong dalawa
storya kung saan maihahalintulad kila Popoy at Basha
storya kung saan ako yung karakter na nasa pagitan ninyong dalawa

Sariwa pa sa aking isipan yung mga tagpuang ika’y nahihirapan
mga panahon na ako ‘yong taong laging nandyan upang iyong masandalan
taong laging andyan na isang tawag mo lang kahit gaano kalayo ika’y pupuntahan

Dumating sa punto na nasabi ko sa sarili ko na gusto kitang alagaan
pag-aalaga na hindi mo nakuha mula sakanya
pag-aalaga na sa tingin ko ako lang yung makakagawa

Hanggang ang pag-aalaga ay humantong sa pagmamahal
pagmamahal na akala ko pareho nating naiintindihan
pagmamahal na akala ko sabay na nating natutunan

Pero nagkamali ako, ako nga pala si Trisha ang babaeng panandaliang inibig mo
Babaeng pumunan ng mga pagkukulang n’ya sa buhay mo
babaeng naghangad na mapasaakin na ng tuluyan yang puso mo

Pero salamat sa mga panahon na naging akin ka.
salamat sa masasayang araw na nakasama kita.
salamat sa pagbigkas mo ng “mahal kita” kahit kasinungalingan lang pala.

Patawad Popoy, kasi akala ko ako na ang papalit sa p’westo ni Basha
patawad kasi napahamal kana pala saakin ng sobra
patawad kasi sa oras na to ipapaubaya na kita kay basha

Kaya sana maging masaya ka sa piling niya
sana maging masaya kayong dalawa
at pasensya sa storyang ang Trishang tulad ko ang isang dakilang extra.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articlePaalam na
Next articleIsang larong habulan