Tula para sa mga taong pagod na magsimula

by Raven Kate Austria | shared on He Said, She Said |

Hindi kita kilala.
Hindi ko alam kung paano at sino.
Wala akong ideya sa mga paborito at gusto.
Dahil isa ka lang sa mga konsepto na unti-unti kong binubuo.
Hindi ka totoo.

Natatakot ako.
Gusto kong tumakbo.
Gusto kong lumayo.
Pero paano kung sa bigla kong pagliko,
Nandun ka at nakatayo? -Ayoko.

Hindi ko maintindihan.
Kung bakit ilang araw na ang dumaan at hindi pa rin mapakali.
Nag-iisip, nagbabakasali.
na baka pagod lang ako, Na baka mali ako o baka ako lang to. -nag iisip ng panibagong ‘siguro’.

Na siguro isa ka lang sa bagong makikilala.
siguro pinagtagpo pero hindi itinadhana.
siguro nagkita tayo pero hindi itinakda.
Iiyak, magmamaktol at walang mapapala.
Kaya uubusin na naman ang oras sa gabi at pupunuin na naman ito ng sana.

Na sana hindi na lang nakilala.
Sana hindi na tinangkang alamin pa,
Kung ano paborito at ang gusto.
Dahil habang unti-unti kitang binubuo,
Ibang tao ang aking nakilala.
Mali ako.
Dahil ang totoo,
Isa ka lang din sa mga ideyang maglalaho.

Sinubukan kong tanggalin ka
Inalis ka sa isipan, tinapon ka sa kawalan.
Pinilit ko.
Sinubukan ko.
Aaminin ko, takot ako.
Natatakot ako sa kung paano ang magiging simula,
Sa kung paano mo’ko mamahalin at papatayin sa salita,
Sa kung ano ang maaaring maantala,
At sa kung ano ang posibleng maging pansamantala.

Wala.
Hindi na.
Hindi na kita makikilala pa dahil hindi ko na tatangkaing alamin pa.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleHanging
Next articleSomeone to call my own