Tunay na Pag-Ibig Natagpuan Ko Na

by AlphaBeth Estepa | shared on He Said, She Said |

Nakilala kita nung panahong ako’y masaya, masaya ako sa piling ng iba.

Masaya ako sa alam kong tama, sa alam kong makapagpaparamdam ng tunay kong halaga. Masaya ako, sa piling niya kahit alam ko na di talaga niya makikita ang halaga ko katulad ng kung paano mo ako tingnan.

Dumating ang araw na ako’y kanyang iniwan, ngunit patuloy ko paring hinahanap at ipinaglalaban ang pag-asa na natitira sa aming pag-iibigan. Hanggang sa, pati sarili ko’y nakalimutan ko nang bigyan ng pagkakataon upang maging masaya, dahil hinahanap ko pa rin ang pag ibig mula sa kanya. Ngunit sa aking pagkadapa, nandun ka, sa kadiliman ng aking mundo, binigyan mo ng liwanag at saya, sa sakit na aking nadarama, pangako mo sa ‘kin na ako’y gagaling na.

Sa aking paghakbang upang makalimot, kasama kita. Sa panibagong laban kasama na kita, tunay na pag ibig, natagpuan na kita.

Natagpuan kita sa mga panahon na ako’y malungkot at masaya. Natagpuan kita nung ako’y nagdurusa hanggang sa ako’y maging malaya. Natagpuan kita na naghihintay sa aking pagtanggap ng pag ibig na matagal mo nang inaalok. Natagpuan kita, natagpuan na kita.

Ikaw na tunay na pag ibig na handang magpagaling ng sugat ng nakaraan, ang tunay na pag ibig na tuturuan kang magpatawad ng lubusan, ang tunay na pag ibig na magpapatunay sa ‘yo ng tunay mong halaga, at ang tunay na pag-ibig na aalisin ang takot mong magmahal muli. Dahil ang pag ibig niya ay napatunayan niya, nang ialay niya ang kanyang sarili sa Krus upang tubusin ka. Ang pag ibig niya na walang hagganan at punong puno ng kapatawaran.

Tunay na pag ibig, natagpuan na kita, at ako’y muling magmamahal dahil alam kong kasama na kita.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments