Turuan Mo Ako

by Hazeline Joy Coruña | shared on He Said, She Said |

Turuan mo ang utak kong kalimutan ka na
Turuan mo ang puso kong wag nang ibigin ka
Turuan mo akong wag nang sa ‘yo ay umasa
Turuan mo akong maging masaya kahit ako ay mag-isa
Turuan mo akong kamuhian ka
Turuan mo akong pahalagahan ang iba
Turuan mo akong humanap ng ganda sa katauhan ng iba
Turuan mo akong sa ‘yo ay tuluyan nang makalaya

Pero paano ko nga ba magagawa lahat nang ‘to
Kung sa bawat pagpikit ko’y mukha mo ang nakikita ko
Kung ang bawat lugar na nadadaanan ko’y nagpapaalala
Sa mga masasayang panahong magkasama tayo
Kung ang bawat awiting naririnig ko’y nagpapaalala sa ‘kin sayo
Kung sa tuwing magpapasya na akong kalimutan ka’y
Bigla ka na namang lilitaw sa napaka-gulo kong mundo

Alam kong hindi puwedeng habang buhay akong ganito
Alam kong hindi puwedeng paulit-ulit akong aasa sa ‘yo
Alam kong hindi puwedeng iasa ko ang kaligayahan ko sa ‘yo
Alam kong hindi puwedeng habang buhay kong isasara ang aking puso

Kaya simula sa araw na ito ika’y kakalimutan ko na
Kaya sa araw na ito’y hahayaan na kita
Kaya naman turuan mo ako sana
Turuan mo akong sa puso’t isipan ko ika’y tuluyang mabura.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleDulo
Next articleSabagay, Tao Sila