Unexpected

Unexpected

ni Llave Mickaela Anne

Nakilala kita sa isang family event at isa ka sa bestman non at abay ako. Pagkakita ko palang sayo na love at first sight ako. “Sht, sya na ba?”Tanong ko sa sarili ko at kung makakasagot lang ang puso malamang sinigawan na nya ako ng “Oo!!!!” Reception non at nakita kita kasama ang mga pinsan mo, tinanong ko sa kuya ko “Kilala mo ba yon? Parehas kayong bestman eh.” at sinagot nya ako ng “hindi.”

Lumipas ang dalawang buwan ay hinahanap pa rin kita pero sadyang ang tadhana at nakita ulit kita sa bahay namin kasama ang mama mo. Gusto kong tanungin sa mama ko na “Ano name ng anak ni tita?” Pero nahiya ako sa sarili kong mama.

Kinabukasan non, nalaman ko nga dahil sa kapatid ko na apo ka pala ng may ari ng tindahan sa tapat namin. Isinama ko ang pamangkin ko para may palusot akong masilayan ka. Hindi nga ako nagkamali, ikaw pa ang nagtinda sakin. Sinusubukan kong itago ang emosyon ko at sa wakas nagtagumpay ako pagka alis namin don ay halos mag diwang puso ko sa kilig!

Isang linggo kitang nakikita kasi lagi akong inuutusan ng mama ko na bumili sa tindahan nyo, pabor pa sakin kahit mainit sulit naman! Pero di ko inaasahan, huli na pala iyon. Hindi na tayo nagkita.

Isang araw ay busy ako kausap ang bestfriend ko kasi ilang linggo ko na syang hindi nakakausap ng matino kasi nagtatravel sila. May nag message request sakin and someone added me on my messenger. I just ignored it. Busy ako eh. Pero inadd nya naman ako sa fb. I didn’t open his profile, I just accept it agad.

Then evening came, chinat mo ako and you said “Hello.”I view your profile and i;m shooooookt!!! Ikaw yung hinahanap ko! Ikaw pa pala ang makakahanap sakin. Then our conversations start.

“Kumain ka na ba? Kakain lang ako” ” Goodmorning!” “Ingat ka ha.” tinawagan mo pa ako ng umaga na yon. Iyan lang naman ang naging chats natin. Pero ang hindi ko inaasahan, ililibre mo ako ng ice cream.

Super excited ako non! Kasi makikita ulit kita. Kaso ang masaklap sasamahan ko ang lola ko sa fiesta kasi wala syang kasama. And I asked kung pupunta ka ba at sinabi mong di ka sure.

Pero di ko inaasahan chinat mo ako na papunta ka na. Halos magwala ang kalamnan ko non! At nung nandito ka na nga, tiningnan mo ako. At sobraaaang awkward! Sa haba ng hair mo, crush ka pala ng pinsan ko.

Hinatid mo kami samin kasi malapit ka lang naman sa bahay namin. Hindi ko alam na marunong ka palang mag drive ng kotse.

Ilang araw tayong nag usap at nag kagalit tayo kaya sabi mo babawi ka sakin and you promised!!!!!! Kaya iyon ang kinakapitan ko.

Promises are meant to be broken nga, hindi mo ako sinipot. Hindi mo ako chinat.

At doon natatapos ang lahat. Akala ko hanggang don nalang ang sakit. Kasi matagal na pala kitang mahal.

Tinanong ko ang mama ko kung ka-ano ano kita.

And she answered, “Pinsan mo yon, bakit ba?”

Doon talaga gumuho ang mundo ko.

Nainlove ako sa sarili kong pinsan.

I love you Aj.

Comments Go Here ▼

Comments