Unfair

by C | shared on He Said, She Said |

Iniwan mo ako ng bigla bigla na lang.

Oo alam ko marami akong pag kakamaling nagawa sa ‘yo. Pero sa kabila ng lahat ng yon nagbago ako. Ginawa ko lahat para sa ‘yo para di ka mawala sa buhay ko.

Ang unfair mo eh. Bigla mo akong iniwan at ako naman itong si tanga hinabol-habol ka para bumalik ka lang sa ‘kin. I did my best, but my best is not enough for you.

Iniwan mo ako dahil sawa ka na o dahil may mahal ka ng iba. Ang unfair lang kasi ikaw okay na okay ka. Ang saya saya mo; yung tipong parang di ka nahirapan. Di ka nasaktan. Iyung okay lang sa ‘yo kahit wala na ako sa buhay mo.

Pero ako, you let me suffer. Sobra akong nasaktan. Sobra akong nahirapan habang ikaw nagpapakasaya na. But I’m still hoping for a second chance and I’m still praying for you.

Sabi mo nga sa ‘kin noon, “ang love kusang dumarating yan.”

Maybe one day or maybe someday ma-realize mo na mahal mo pa ako at bumalik ka sa akin.

Tadhana na lang ang makakapag sabi nyan 😊

P.S. Mahal pa rin kita. God’s will could be our destiny.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleAking Buwan
Next articleHarapan at dulo