paglisan

Unti-unting paglisan

by Chibs | shared on He Said, She Said |

Bakit? Anong dahilan?
Bakit parang ako ay iyo nang iniiwasan?
May nagawa ba akong kasalanan?
Para ang mga mensahe ko’y hindi tugunan?
O marahil meron ka lamang pinagdadaanan..
Pwede bang malaman?
Pwede mong sabihin sa ‘kin,
Para ng sa gayon ating mapag-usapan.
Halika’t ating balikan,
Ang mga kulitan at tawanan.
Sweet moments na hindi matutumbasan.
at ang mga pangarap natin na napagusapan.
Ipinangako ko sa ‘yo, hindi kita iiwan.
Pero bakit parang ako ay unti-unti mo nang nililisan.
Ito na ba ang pagtatapos ng kaligayahan?
Kung gayon pa man, gusto ko na iyong malaman,
Ang nakilala at dumating ka sa buhay ko
ay hindi ko pinagsisisihan.
at ang puso kong ito ikaw lang ang tinitibok at nilalaman.
Mahal, gusto ko pang lumaban.
Ngunit ako, ay iyo nang binitiwan.
Nakakalungkot isipin na parang
wala lang ang ating pinagsamahan.
Nasaan na ang ipinangako natin
na para sa isa’t isa’y tayo’y nandyan?
Maraming salamat, dahil sa ‘yo marami akong natutunan.
Ang hirap isipin na ito na pala ang hangganan ng kasiyahan.

Pahabol:
Tawagin man itong katangahan o kahangalan,
umaasa pa rin ako na ang isip mo’y malilinawan,
at ang mga pinagsamahan natin ay masisilaban
at unti-unti ulit na ito’y masisindihan ng kasaganahan,
at ituloy ang naudlot na pagmamahalan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Share This!

Comments Go Here ▼

Comments

by Chibs | shared on He Said, She Said | Bakit? Anong dahilan? Bakit parang ako ay iyo nang iniiwasan? May nagawa ba akong kasalanan? Para ang mga mensahe ko’y hindi tugunan? O marahil meron ka lamang pinagdadaanan.. Pwede bang malaman? Pwede mong sabihin sa ‘kin, Para ng sa gayon ating mapag-usapan. Halika’t ating balikan, Ang …

Review Overview

User Rating: 4.8 ( 1 votes)
0