Viola

by Deminlyn Sion | shared on He Said, She Said

Panahon na siguro para kalimutan kita,
Kalimutan ang mga bagay na dati’y nagpasaya—
mga bagay na siyang nag-dulot ng ‘sanlibu’t isang ligaya.
Panahon na siguro para kalimutan kita,
Kalimutan ang mga pasakit, na sa aki’y ipinadama—
mga pasakit na siyang pilit na sumiksik sa nananakit na dibdib.

Marahil panahon na nga para ika’y limutin ko.

Malungkot man o masaya, ito pari’y itatago ko.
Malungkot man o masaya, siya pa ring tatanggapin ko.
Ngayo’y mag-isa nang maglalakbay, sasabay sa hangin—
kung saan man matangay.
Maglalakad na ng mag-isa, bi-biyahe ng walang kasama.
Kalauna’y iiyak at tatawa, sa piling ng iba.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments