Wala mang Kasiguraduhan

By Babe | shared on He Said, She Said |

Maraming taon ang nagdaan, mga panahong nasayang.
Muli tayong nagkaroon ng kaugnayan, nagkita at nagkakuwentuhan,
Doon ko nalaman na ika’y mula sa masakit na nakaraan.
Na tila hanggang ngayon ay hindi mo pa malimutan.

Lumipas ang oras, araw at buwan.
Patuloy lang ang sa ati’y namagitan,
Hanggang sa hindi ko na pala namamalayan,
Lumalalim na ang ating samahan.

Pinilit kong labanan iwasan at kumbinsihin ang sarili na wala lang.
Tanong dito, tanong doon, pagmamahal ba ito o pag hanga lamang ?
Ngunit aking nalaman ng minsan ako’y iyong iwasan.
Hindi ko pala kayang pigilan ang tunay kong nararamdaman.

Mahal na pala kita ngunit mahal mo pa rin sya.
Pinilit kong pagtakpan ang iyong sakit na nararamdaman.
Ngunit tila ba, parang ako naman ang nasasaktan.
Pinili kong ipagpatuloy itong ating nasimulan,
kahit ba parang walang kasiguraduhan at patutunguhan.

Sa paglipas ng panahon sana’y oras mo’y ako naman ang paglaanan.
Pagmamahal mo’y akin namang maramdaman.
Ngiti moy muling magisnan.
Kasiyahan mo’y muling lumutang.

Wala mang kasiguraduhan
Wala mang patutunguhan
Ngunit aking susubukan
Puso mo’y muling mabuksan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments