Wala na Kami, Pero…

Wala na

from message sender “Kelly” |

(We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.)

Tito Homer & Tita Jinky,

May boyfriend ako for almost 6 years at nakipagbreak siya last month.

Ako yung tipo ng babae na for almost 6 years siya lang talaga. Pero siya alam ko na nagkaroon na ng iba habang kami alam ko na nagkaka-crush siya sa iba habang kami. Di ako napalingon sa iba o nagkagusto sa iba. Ganoon ka-solid yung pagmamahal ko sa kanya noon.

Until one time, I met someone 4 months ago. Bigla akong nagka-crush sa kanya. Pinigilan ko siya. Tapos after a month, bigla siyang nag-confess na gusto rin pala niya ako.

Nagkaroon kami ng mga bondings and gala tapos lagi niya akong tine-text at tinatawagan. Pinipilit kong pigilan na mahulog sa kanya. Pero hindi ko napapansin yun palang boyfriend ko di ko na nalalambing at bawas yung oras ko sa kanya. Ayaw ko siyang mawala tapos nahuhulog naman ako dito sa isa.

And another month later nang magkatrabaho ako, mas nabawasan yung oras sa amin ng boyfriend ko tapos puro away. Di niya rin ako nilalambing. Tapos si crush, hands-on at laging nagtetext/tumatawag/nag-vivideo call  — nahuhulog na talaga ako sa kanya.

Sabi ko po magawa lang ng boyfriend ko na suyuin ako kahit ako yung may pagkukulang isasantabi at babalewalain ko yung pagka-fall ko dun sa isa.

Pero pinili niyang makipag-break. And hinayaan ko lang siya. Ano pong maipapayo niyo sa akin? Salamat.

– Kelly

He Said: Hi Kelly, tapos na kasi yung relasyon nyo ng ex-bf mo, so mukhang gusto mo na tong bago. Walang hahadlang, so ikaw na ang mag-decide kung sya ang ipapalit mo. Ingat lang kasi baka magaya yan sa situation nyo ng ex mo. Always pray for your “The One”, ok? God bless! – Tito Homer

She Said: Hello Kelly. Nag decide ka na e. Pinabayaan mo na na mag break kayo. So i assume gusto mo na din tapusin ang relasyon nyo and look for another love. Now if you will ask me kung tama ba ang ginawa mo? Only you can feel and tell. Entertaining another guy while you’re still in a relationship is definitely wrong. Kahit na sabihin mo na nagkaroon ng ibang ka-relasyon ang bf mo during your time together. The fact na hindi mo sya sinita at itinama ang pagkakamali, ibig sabihin ok lang sa iyo. Pero hindi ibig sabihin pwede mo rin gawin sa kanya. You cannot correct a mistake by making another mistake. Pray for clarity and guidance so that your next step will be the right one. God bless. – Tita Jinky

Video: Can't Help Falling in Love

Comments Go Here ▼

Comments