Walang Paglalarawan

by Jez Rico Cuenta on He Said, She Said |

Paano ba gawin ang isang tula,
Na hindi kita sinta ilalarawan?
Sa mga bulaklak doon sa hardin?
Sa liwanag ba ng umagang magaling?
Hindi na kita ikukumpara sa bituin,
Pag-ilalarawan ko mata mong maririkit
O kung makikita kita ay ‘wag mong asahang,
Ihahambing kita sa mga anghel sa langit
Pagkat alam kong sapat na itong puso
Kung iyo lamang sanang uunawain;
Hindi ko na kailangan pang bumanggit
Ikaw ang nag iisa’t walang papalit
Kung ilalarawan man kita ikaw ay higit,
Sa alin man sa lupa o maging makalangit.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments