Walang Permiso Upang Patawarin

Walang Permiso Upang Patawarin

ni JBL, He Said He Said Philippines |

Paano nga ba lilisanin ang mga alala natin.
Matamis na kahapon nakatatak pa rin sa akin.
Mahal bakit biglang hindi mo na lang ako pinansin?
Hindi ka rin humingi ng tawad upang aking patawarin.
 
Mahal anung nangyari?
Bakit paglisan mo’y walang pasabi?
Kung alam ko lamang sinulit ko sana
ang mga huling sandaling tayo’y magkatabi.
Hinahanap hanap ka pa rin sa ‘king tabi.
 
Mga tanong na hanggang ngaun ay wala pa ring sagot.
Blankong isipan, kailan kaya mapupunan.
Mahal kung ayaw mo na makipag usap ka man lamang.
Dahil ang hirap kailan man ay di mo malalaman.
 
Simpleng paliwanang.
Simpleng paghingi ng tawad.
Gusto kong marinig mula sa ‘yong bibig.
Mahal, hihintayin ko upang kita’y mapatawad.

Comments Go Here ▼

Comments