Walang Tayo

by Nicolynne Bonoan | shared on He Said, She Said |

Alam mo kung ano ang naging problema?
Naniwala ako.

Naniwala ako noong sinabi mong hindi mo ako iiwan.
Naniwala ako na hindi ka tutulad sa mga nakaraan.
Naniwala ako na poprotektahan mo ako’t aalagaan.
Naniwala ako noong inamin mong ang mahal mo’y ako lamang.

Akala ko’y seryoso ka sa akin.
Akala ko’y sinsero ang bawat salitang lumalabas sa iyong labi.
Akala ko’y totoo ang pangako mong hindi ako iiwan at pababayaan.
Akala ko’y ikaw na ang makakatuluyan ko sa panghabambuhay.

Ngunit ang bawat akalang ito’y dahilan ng sakit na ngayo’y nararamdaman ko.
Ito ang mga rason sa bawat pag-iyak at paghagulgol ko,
At ang hayaan kang hawakan ang puso ko’y ang pinakamasakit na kamaliang nagawa ko.

Dahil ngayon, ako lamang ang lumuluha.
Ako lamang ang naghihinagpis at nagdurusa.
Ako lamang ang may wasak na puso’t wala sa huwisyo ang utak.
Ngayon, ako na lamang ang naiwan sa nakaraan nating dalawa.

Pero alam mo ang pinakamasakit sa lahat?
Iyon ay ang makita kang masaya kapiling ang iba;
Makita kang tumatawa, na para bang wala lamang sa’yo ang ating paghihiwalay,
At malaman sa iba na ginawa mo lamang pala akong dagdag sa koleksyon mong pambata.

Subalit sa kabila ng pighating dinadamdam ko,
Pilit pa ring sinasampal sa akin ang katotohanang walang “tayo”.
Kaya ano nga ba ang karapatan kong masaktan?
Samantalang una pa lang ay malinaw nang iiwan mo ako matapos pagsawaan.


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleBakit?
Next articleKalungkutan