Walang tigil ang ulan?

Umaga man o gabi, patuloy ba ang pag-ulan sa yong buhay? Kung ang pakiramdam mo ay tila ba nagmamasid lang ang Diyos sa gitna ng yong kapighatian, ito ang aming maipapayo, kaibigan:

He Said: Sa mga panahong ito na lugmok ka’t lupaypay, nariyan ang Diyos na Siya mismong umaakay sa yo at idinuduyan ka hanggang sa ika’y makapagpahinga’t makatulog. Upang sa iyong paggising, isang bagong umaga ang madadatnan mo, dala ang pag-asang bibitbitin mo sa iyong muling pagbangon. Huwag kang susuko dahil ang Diyos, di sumusuko sa yo. Laban lang, kaibigan. Kaya mo yan.

She Said: May mga pagsubok man sa buhay mo na akala mo ay walang katapusan, laging tandaan na ang pag-ulan ay may hangganan. Gaya ng mga pinagdadaanan sa buhay, ito ay hindi permanente. Kapit lang. Tiwala lang. Hindi tayo pababayaan ng Maykapal.


Maging tunay na kaibigan. Ibahagi sa nangangailangan.
Facebook.com/HeSaidSheSaidPhilippines#hesaidshesaid

Comments Go Here ▼

Comments