What Love is All About

What Love is All About

from message sender “Trina” |

(We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.)

Hi po. I really like this page po kasi nakaka-relate po ako and may natututunan po ako. I just wanna share my story lang po and I need some advice din po.

So ito po yong story ko. Kagagaling ko lang po sa isang break up. Well, mag 3 months na po kaming break. The reason kung bakit kami nag-break is dahil sa akin. We’ve been only for 4 months pero matagal ko na sya mahal kahit nong hindi pa kami. Dito ko lang po icoconfess yong tunay na reason ng break up namin. Pag kasi may nagtatanong sa akin kung bakit kami nag-break, sinasabi ko na lang ay nawalan na kami ng time sa isa’t isa. But the truth is I broke up with him kasi po gusto n’ya na po gawin yong bagay na yon.

Gusto nya na po mag-sex kami. Ilang beses na po n’ya ko tinanong sa bagay na yon, paulit- ulit na lang po sya. Napapaisip na lang po ako na yon lang ata talaga ang habol n’ya sa ‘kin.

Naaawa na po ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko di n’ya ko nirerespeto so I decided to break up with him. After namin mag-break, nag-tetext at tumatawag pa rin s’ya sa ‘kin. Matutuwa na sana ako kasi kala ko pipilitin n’ya kong makipagbalikan sa kanya, pero he’s just texting me dahil he’s still up to that thing. Pinipilit n’ya pa rin akong pumayag sa gusto n’ya.

Nagmatigas talaga ako. I said to myself na di na talaga ako babalik sa lalaking yon. After 1 month, I’m not still over him kasi po he keeps on texting and calling me but this time off na yong topic about sex. He’s sweet like parang kami pero I’m not sweet anymore sa kanya.

And then I found out na he has another girl na. I was hurt because akala ko ako pa rin. I got mad at him. I told him na alam ko na meron syang bagong girl. But he denied it with me. Kaibigan lang daw n’ya. Di ako naniwala sa kanya pero part of me na umaasa na sana kaibigan lang talaga n’ya yon.

Araw-araw ko silang nakikitang magkasama ng bago n’ya kaya araw-araw din akong nasasaktan. Di na n’ya ko masyado kino-contact, maybe dahil nga don sa new girl n’ya.

Bigla na lang s’ya magpaparamdam, at pag nagparamdam bongga. Pak na pak ang mga sweet words. Kaya dumadating yong point na maguguluhan ako sa mga sinasabi n’ya sa ‘kin at sa kung ano nakikita ko. Noong natapos na class namin at nag start na ang Christmas vacation namin, nabawas-bawasan yong burden ko kasi di ko na sila makikita.

Pero I never thought na magkakaron pa rin pala kami ng communication. Naging araw-araw na yong pag-tetext namin at walang araw na di s’ya tatawag.

That time, nakalimutan ko na may new girl na nga pala sya. Pakiramdam ko kami na ulit. Dumating ang New Year, may communication pa rin kami at mas lalong lumalim pa. Nagsasabi na ulit sya sa ‘kin ng “i love you,” pero no reply lang ako. Di ko lang feel mag-say ng “i love you too.” Di ko alam kung love ko pa ba s’ya or natatakot lang ba ko na malaman n’ya na love ko pa rin s’ya. Di ko ma-gets sarili ko.

And nitong January 4, nagpunta s’ya dito sa bahay. Kami lang dalawa. We almost did it. ALMOST. Ayaw ko kasi talaga gawin yon. I’m not yet ready. He’s forcing me to do it pero pinipigilan ko s’ya.

After that scenario, sobra akong natakot. Natatakot ako na baka mabuntis ako kahit wala naman talagang nangyari. Natatakot ako ma-disappoint family ko. Natatakot ako na baka di ko na matupad dreams ko. Sobra na ‘kong paranoid and at the same time ang baba na ng tingin ko sa sarili ko. Kasi alam ko hindi namin dapat yon gawin lalo na at mag ex na lang kami.

Tapos ngayon, I found out na matagal na pala sila nung new girl n’ya. At may nalaman pa ‘kong isa. Habang sila na nong new girl nya and while he’s dealing with me, bumabalik din s’ya don sa isa pa n’yang ex. How nice, di ba? I don’t know what to feel anymore. I feel used.

I hope naintindihan n’yo story ko, hehe. I hope my identity will be kept private. Thank you! God bless po.

“Trina”

He Said, She Said:

Hi, Darlene! First of all, we want to tell you that we admire you for being a strong woman who stands firm on her beliefs. We’re so sure that your parents are proud of you! Alam mo, sobrang puno ng red flags yung lalaking kinwento mo. Unang-una, hindi ka niya nirerespeto. Hindi niya kayang tanggapin ang desisyon mo, hindi ka niya kayang hintayin. Alam mo, you deserve wayyyyy better than this. Mataas ang pangarap mo, and you have all the time in the world to get a boyfriend. There are so many things that you can focus on: family, friends, studies, career, faith. A guy (especially like him), is at the bottom of the list. Actually siya, hindi kasama sa list mo. You deserve to be pursued and respected. We are so proud of your decisions. Right now, it’s best to ditch everything about him. STOP ALL FORMS OF COMMUNICATION. Tapos, forgive him for you to be able to move forward with a light heart and as a stronger woman. Make 2017 your fresh start, Darlene! God will get you through this!

-Tito Homer & Tita Jinky

VIDEO: Your Love (The Greatest Gift of All)

We at He Said She Said change the actual names and places and edit some parts of the message, to protect the identity of our message senders.

Feel free to send us a private message on our Facebook Page or comment below.

Comments Go Here ▼

Comments