Yakap

by Mariedith Arellano | shared on He Said, She Said |

Kamusta ka na? Ang nasambit nang aking labi nang makita kitang muli.

Mga labi kong binigyan mo nang ngiti noong ikaw ay akin pa. Bigla kong naalala ang mga panahon na tayo ay masaya na akala ko ay di na matatapos pa.

“Okay naman ako,” ang sagot mo karugtong ang tanong mong, “Ikaw ba?”

Hindi ko mawari ang biglang kirot nang puso ko sa sagot mo. Tinignan kita sa mata at masakit man sa akin na makita na tunay nga. Masaya ka na. Masaya sa piling nang iba.

Sa kabila lang lungkot ko na nadarama sumagot akong “Eto masaya na,” kahit ang gusto kong sabihin, “paano ba maging masaya ngayong wala ka na?”

Lumapit ka sa akin at niyapos mo ako at kasabay nang bulong na, “Masaya ako para sa ‘yo.”

Di ko mapigilang lumuha at sinuklian ang yakap mo. Sabay tanong, “minahal mo ba talaga ako?”

Wala akong narinig na sagot mula sa ‘yo, bagkus mahigpit na yakap pa ang sinukli mo.

Walang tigil ang agos ng aking luha nang bumitaw ka na. Ngunit ano pa nga ba ang magagawa? Ang nakaraan natin ay di na maibabalik pa.

Pero bago ka tuluyang mawala, gusto kong sabihin sa ‘yo, “Minahal kita nang higit pa sa iyong inakala, pero lahat yun ay nakalimutan mo na.”

Hindi na ako aasa pa.

Salamat sa pagmamahal mo.

Pagmamahal na minsan akong napasaya at s’ya ring dahilan bakit ako lumuluha at nag-iisa.

Ayoko nang maging ampalaya o beer na walang kasing pait ang nadarama. Gusto ko nang maging masaya bago ka tuluyang lumayo.

Kasabay ng huling yakap ko, “Pinapalaya na kita.”

At sa paghakbang mo palayo ay s’ya ring pag tigil ng pagmamahal na dapat ay alay ko lamang sa iyo.

 


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments