Ang Aking Huling Talata

by MBK Estanil | shared on He Said, She Said |

Gusto mong marinig ang sigaw ng puso ko?
Oo, ikaw ang laman nito.
Oo, kahit ako’y nasaktan mo, ikaw parin ang naaalala nito,
Oo, kahit wala kana sa tabi ko, ikaw parin ang gusto ko,
Oo, kahit my mahal kanang iba, ikaw parin ang mahal nito.

Tanga ba ako?
Oo, tanga ako, kasi minahal kita ng lubos.
Oo, tanga ako kasi di ko kayang makalimot.
Oo, tanga ako kasi ikaw parin laman ng mga dasal ko.
Oo, tanga ako kasi nagmahal ako ng totoo.

Bakit ba kasi ang hirap tanggapin,
Bakit ba paulit.ulit ikaw parin,
Bakit ba sa kabila ng lahat pangalan mo parin ang sambit,
Bakit ba kasi nagtapos yung nasimulan na natin.

Sabi nila’y di totoo ang tadhana,
Bakit ika’y natagpuan pa,
lahat naman ay nagsimula sa wala,
Di pa ba ito ang siyang tadhana?

Sa huling talata ng tula kung ito,
ipaparating ko sayo ang mensaheng sanay marinig mo,
Sa huling talata ng tula kung ito,
Sana’y mabuksan ang mata ng iyong puso.

Pagod na ako, sa kakaisip sayo
Pagod na ako, na umasang muling magiging tayo
Pagod na ako, sa kakaisip na ikaw ang magiging sagot sa mga dasal ko,
Pagod na ako, ngunit puso ko’y ayaw pang huminto.

Mahal kita, Sobrang mahal kita,
Yung tipong, Ikaw lang magiging sapat na.
Mahal kita, Sobrang mahal kita,
Yung tipong, Bawat dasal ko’y kasama ka.
Mahal kita, sobrang mahal kita, pero ako ba? Mahal mo ba sinta?

Ayoko na, Tama na
Alam ko my mahal kanang iba,
Sobra na, nasasaktan na ako sinta,
Pero sana, ako’y iyong maalala.

Ito na ang ng huling talata ng tula ko,
Ito na ang dapat marinig mo,
Ito na ang ilagay sa isipan mo,
Mahal kita, kahit di mo na ako mahal sinta,
Mahal kita, hiling ko’y ibabalik ka sa akin ng tadhana,
Mahal kita, sana’y lagi kang masaya,
Mahal kita, hanggang dito nalang tayo sinta,
Mahal kita, pero hindi ko na kayang kumapit sa salitang mahal kita,
Mahal kita, hindi na kita kayang ipagpalaban ka,
Mahal kita, Sobrang mahal kita,
Yan ang aking huling talata.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleHilom
Next articleKabado