Ang pinakamapait kong tula

by Akencial Paul D. Rico | shared on He Said, She Said |

Hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ikaw ay pinag-alayan ng tula at mga awitin.
Hinding-hindi ko makakalimutan nang itapon mo ang lahat sa hangin,
At hindi mo bigyan pansin ng kahit na katiting na pagtingin itong aking damdamin.

Nagtungo ako sa kinatatayuan mo upang sambitin na mahal kita.
Ngunit hindi mo ako pinaunlakan sinta ng ihayag ko sa ‘yo ang aking nadarama.
Pinagtabuyan mo pa ako na animo’y isang taong grasa na nanghihingi ng limos sa kalasada.
Itinapon mo ang lahat ng sa akin na tila ba ay isa akong basura na hindi mo magawang mahalin at madama.
Bakit sinta? Bakit hindi mo ako madama?
Bakit mo ako binihag ng ganito upang sa bandang huli malaman ko na para sayo ay wala pala akong halaga?
Wala akong halaga, ganon ba?
O masyado lang akong naging tanga upang magpalinlang sa ngiti ng iyong mga mata?
Napaka inutil ko, nang magtiwala ako sa mga nararamdaman ko na para sayo ay wala naman palang kabuluhan.
Nagtiwala ako sayo pagkat wika mo ako ay iyong sasaluhin kapag nahulog ako saiyong bangin.
Pero anong nangyari, ako lang ang nahulog ng malalim.
Ngayon nandito ako umiiyak sa ilalim ng mga bituwin,
Durog na durog habang dinadagukan ang sariling dibdib sapagkat hindi mawala-wala ang hangin na pumipintig para sayo.
Matapos kong ialay ang lahat-lahat, tinapik mo lang ako sa balikat upang sambitin ng walang kahirap-hirap…
“Hindi kita mahal, hindi kita minahal.”
Umalingaw-ngaw sa buong paligid ang lagaslas ng mga dahon.
Nakakabingi ang katahimikang namagitan, ngunit may digmaan sa loob ng dibdib ko at ito ay pagkawasak at pagpanaw ng mga pintig sa daluyan ng aking pag-ibig.
Inakala mo siguro na ganon lang kadaling maglalaho ang sakit at bigat,
Akala mo siguro na madali lang magdikit-dikit ng pusong basag,
Na mabilis ko lang magagawang magpahilom ng isang malalim na sugat.
Mali sinta, Mali… Napakahirap.

Batid ko sinta na hindi mo kayang magpanggap,
Batid ko na may’ron kang ibang pinapangarap makasama sa itaas ng mga ulap,
may iba ka nang pinapangarap at hindi ako ‘yon, oo alam ko hindi ako yon na palagi kong naririnig sa hangin na iyong ibinubulong.
Masakit, oo, hindi ako ‘yon pero ako yung taong sumalo ng lahat ng katangahan upang manindigan sa aking nararamdaman,
Nakakalungkot dahil sa ating dalawa ako lang ang tinamaan, ako lang ang napuruhan.
Ako din yung taong matapos mong paasahin at saktan ay basta-basta mo nalang iniwan nang ganon-ganon nalang,
luhaan at bugbog ang katawan sa emosyong ayaw ko nang maramdaman.
Palagi nalang umuulan, palagi nalang akong nababasa ng luha sa daan. Palagi nalang akong naiiwan, kung hindi ng sasakyan minsan ng minamahal.

Sinta, alam mo nakapanliliit pala sa pakiramdam na makita ang sarili na pilit binubuo ang mga piraso ng puso kong sugatan, sa ilalim ng buwan.
Sinta, kahit pinagtatawanan ako ngayon ng buong kalawakan walang halong pagsisisi na minsan ipinagyabang kita at minahal ng higit sa kahit sino pamang pinakamakinang na bituwin sa langit.
Ngunit kahit binigo mo ako hayaan mong gisingin ko ang sarili ko sa mapait na reyalidad,
Na hindi mo ako kahit na kailanman kayang mahalin.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments