Ang Tula Ko Para Sa ‘yo

by Shaira De Guzman | shared on He Said, She Said |

Kaibigan, isang taong kailanma’y,
Hinding-hindi ko makalilimutan.
Maaasahan sa lahat ng bagay,
Makakasama mo kahit saan man.

Kaibigang tunay, turing ko sa ‘yo.
Ni minsan hindi mo ako iniwan.
Lagi kang naririyan sa piling ko.
Magpunta man ako kahit pa saan.

Kung minsa’y mawawala nalang bigla.
Muling darating kung ako’y mag-isa.
Lagi kang nasa aking alaala.
Hindi mo hinayaang nag-iisa.

Ngunit isang araw, nagbago bigla.
Mga ngiti mong tila malungkot na.
Parang ibong nakawala sa hawla,
Nung araw na ikaw ay lumisan na.

Kasama kita sa lahat ng bagay.
Sinamahan kita sa kalokohan.
Pangakong sasamahan habang buhay,
Ngunit nasaan? Ikaw ay NANG-IWAN.

Gusto ko lang sabihin sa iyo na,
Ikaw ay naging parte ng buhay ko.
Ako’y lilisan na, di na babalik pa.
Nawa’y muling sumilay ang ngiti mo.

Salamat sa iyo, kaibigan ko.
Hindi ko na gagambalain pa ang iyong mundo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments