Babae, Asawa, Ina

by LsV | shared on He Said, She Said |

Ako’y isang babae, nag mahal ng tapat,
Sa taong akala ko’y karapatdapat.
Buong puso, ibinigay ang lahat,
Ngunit iyon pala, sa kanya’y hindi sapat.

Ako’y isang asawang mapagbigay,
Sinisikap mapagaan ang kanyang buhay.
Sa labas man o sa loob ng bahay,
Mundo nya’y pinupuno ng kulay.

Ako’y isang inang nag susumikap,
Sa aking mga anak may pinapangarap.
Pagmamahal sa kanila aking pinapalasap,
Sa aking haplos, halik at yakap.

Ako’y isang babae, asawa at ina.
Nagmahal, naglingkod at nag tiwala.
Nasaktan, napagod at kinaliwa.
Nagpatawad, nagpatuloy at umaasa.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments