Bakit nga ba?

by JM14 |  shared on He Said, She Said |

Nagalit ako sa ‘yo.
Galit na paulit-ulit na nagpa-iyak sa puso ko.
Sino ba ang hindi masasakatan
Kung bigla mo nalang akong iwan.
Maayos naman tayo nung huli tayong nagkita.
May tawanan at harutan pa.
Ngunit, isang araw bigla ka nalang nawala.
Nawala na parang bula.
Tinanong ko sarili ko kung may pagkakamali ba ako.
Kung nasaktan ba kita ng hindi sadya?
Pero wala.
Wala akong mahanap na rason.
Sa sarili ko ay paulit-ulit ang tanong
Anong nangyari?
Saan ako nagkamali?

Oo, galit ako sa ‘yo.
Pero di yun naging sapat na rason
Para tuluyan kang kalimutan.
Aaminin ko,
Araw-araw umaasa ang puso ko
Na sana magkita ulit tayo.
Gusto kung itanong sayo,
Ba’t ka nang iwan?
Akala ko ba di mo ako sasaktan.
Akala ko ba totoo ang ating pagkakaibigan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

 

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments