Dami kong Tanong

by Aubrey Aguilon | shared on He Said, She Said |

Paano na tayo? Kung hindi mo naman pinapahalagan lahat? Paano na tayo?

Kung hindi mo pinapansin lahat? Paano na tayo? Kung ikaw ay susuko na? Paano na? Paano na yung tayo? Asan na ang mga pangako mo?

Pangakong hindi mo ko iiwan. Parang kahapon lang kakasabi mo lang na mahal mo ko.

Pero ba’t mo ‘ko iniwan ngayon? Hanggang sabi na lang ba ang lahat? Hanggang kailan ako maniniwala sa mga sabi-sabi mo? Hanggang saan ang kakayanin ko? Hanggang saan ako magtitiis ng sakit? Sakit na dinulot mo sakin. Sakit na parang wala lang sayo. Sakit na matagal ko ng nararamdaman sayo. Ano nangyari? Asan na pagmamahal mo? Paano na yung tayo?

Bakit mo ko iniwan? Bakit mo ‘to nagawa? Akala ko ba mahal mo ‘ko? Asan na? Ba’t hindi ko maramdaman? Ba’t puro na lang sakit ang nararamdaman ko imbis na pagmamahal mo?

Masakit, sobrang sakit pero kakayanin ko lahat. ‘Wag mo lang akong iwan, kayang mawala lahat ng sakit na yan, mahalin mo lang ako.

Ikaw lang, ikaw lang ang ninanais ko habang buhay. Ako’y pahalagahan mo naman. 😌💔


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments