Di na Tulad ng Dati

DI NA TULAD NG DATI
Credit: pexels.com

HeSaidSheSaidPH.com | Kumusta? Nandyan ka pa ba?

Yung ikaw na una kong nakilala. Yung mga ngiting masarap sa mata, nakakaakit, nakakahawa. Yung mga tawa mong ansarap sa tenga, naglalambing, masaya.

Yung dating ikaw na punong-puno ng pangako at pangarap para sa ating dalawa. Yung ikaw na naging lakas ko habang ako ay mahina. Yung taong di ko hiniling pero binigay sa akin. Yung mga araw na ikaw lang at ako.

Mga panahon na bago pa lang at kapwa pa sabik ang ating mga puso. Mga sandaling ayaw nating maghiwalay kahit isang segundo.

Di na tayo tulad ng dati. Kumusta, nasaan ka na? Nagbago ka na ba? O ako itong nag-iba? Di mo na ba ako kilala? O ako ang hindi makaalala kung paano tau nagsimula?

Hinahanap mo rin kaya yung dating ako? O sadyang mababaw lang ako at may pagkaisip bata? Tulad ko, nasasabik ka rin kaya na maramdaman ulet ang dati kong mga lambing? Di na tayo tulad ng dati.

Marami ng nag-iba. Pero alam mo ba? Ikaw at ikaw lang ang gusto ko hanggang sa ating pagtanda.

-Oneth Trione, PAFOCS, 2018

(Visited 3,363 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments