Hindi Ka Niya Mahal, Kaya Bitaw na

by Jane Magluyan | shared on He Said, She Said |

Kailangan kung tapusin to hanggang maaga pa
Hanggang hindi pa nito kinakain ang buo kong sistema
Kailangan kung gumising sa napakalalim na pagkakaidlip
Hanggang pwede pa, hanggang kaya ko pa

Hindi ko alintana isang araw kakamustahin mo ako
Ni hindi ko akalaing mapapansin mo
Ngunit siguro nga sadyang mapaglaro ang tadhana
At nanging daan iyon nang akala ko makabuluhang simula

Ngunit may mga ara na tinatanong ko sarili ko
Babae ba talaga ang tingin mo sa pagkatao ko?
Kasi sa araw araw na tinatanong mo ako kung maganda ba si ganito si ganyan
Naiinis ako sa sa iyo at sa sarili ko, bakit ang manhid mo

Ang pamilya ko, kaibigan mo at taong nakapaligid sa atin sinasabi bagay tayo
Ngunit alam ko naman na hindi ako ang “ideal girl” mo
Sexy ang gusto mo, chubby ako, Naka skirt sya naka kupas na maong naman ako
Sa aspetong yan? talo na ako, wala wala ako sa mga babae mo

Isang araw, hindi ko inaasahang marining galing sa’yo mismo na seryoso ka sa akin
Dahil ika mo nga hindi ako mahirap mahalin
Alam mo ba parang sasabog ang puso ko sa galak na hatid mo
Ang saya saya ko na sobra pa sa taong nanalo sa lotto

Ngunit ang kasiyahan na dala mo ay napalitan nang sobrang kalungkutan
Sabi mo, komplikado tayo, na ayaw mong masaktan ang pamilya ko at lalong lalo na ako
Kasi nga, sabi mo, iba ako sa mga babaeng nakilala mo
Ngunit nasaktan na ako, ang labo lang kasi bakit parang ang bilis naman?

Sinasabi nang puso ko “paglaban mo, mahal mo e”
Ipamulat sa’yo na magkakamali’t magkakamali ka, kasi nga ‘di ka perpekto
Ngunit sa kabila nang lahat, sinisigaw nang utak ko
“Tanga kung mahal ka niyan hindi ka pagtutulakan sa iba,
pinaglaban ka na, noon pa, kaya hanggang kaya pa, bitaw na.”


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments