Hindi ko alam kung paanong nagsimula

by Maya Quiminales | shared on He Said, She Said |

Hindi ko alam kung anung mayroon sa ‘yo.
Pero ang puso ko’y galak na galak na pagmasadan ka.
Para bang kapayapaan ang tila’y nararamdaman ko sa tuwing tinititigan ka.
Para bang napawi lahat ng lungkot na bumabalot sakin at agad pinalitan ng matatamis na ngiti sa aking labi.
Hindi ko alam.. Hindi ko alam kung anung mayroon ka para sa saglit na oras na nakita ka ay ibang galak na ang aking naramdaman.
Paulit ulit kong tanung sa aking sarili. Anung mayroon ka na wala ang iba? Bakit tila ba lahat ay napakabilis.
Naagaw mo ang atensyon kong na sa iba’y nakatuon.

Maaring napaka simple mo para sa iba.
Isang punong walang kalaman laman.
Iilang tuyot na mga dahon ang tanging mayroon ka. 🍂 Pero kung pagmamasdan ka higit pa sa kung anu man ang mayroon ka.
Duon ko nakita at naramdaman na iba ka.
Spesyal ka sa paraang mayroon ka.
Iba ka sa sarili mong paraan.

Nakakatawa kung iisipin na para sa iba’y tulad mo ay basura na. Walang ganda. At walang halaga..
Pero sa akin iba ka. Ibang saya at galak na na saglit na panahon na naramdaman ko ay alam kong totoo.
Totoo na iba ka. Ngunit sa isang iglap bigla akong nakaramdam ng lungkot at kaba.
Biglang binawi ang ngiti.. Naisip ko na hindi pala lahat nanatili. Bigla akong nakaramdam ng takot.
Takot na muling malungkot. Dahil baka kung gaano mo ako kabilis napangiti ay ganun mo na lang din ako kabilis masawi.

Dahil darating ang tamang panahon na ikaw na punong walang kalaman laman ay muli magbubunga. Muling magkakalaman. Magkaka kulay. Muling mabubuo. At magbabago.
Dahan dahan… paunti unti…at alam ko na pag nangyari yun. Maaring hindi na rin ikaw yung puno na makapagbibigay ngiti sa akin. Hindi na ikaw yung dating iba..

Dumating ang oras.. Hindi ako nagkamali.
Dumating ako sa maling pagkakataon.
Nabaon ako sa maling panahon.
Hindi ko alam kung paano nagsimula..
Teka lang bakit parang ang bigat na.
Kung gaano kagaan sa umpisa ganun ko na lang naramdaman ang bigat sa huli.
Gusto ko ng lumakad muli.
Lumakad ng mabilis.. kasing bilis ng pagagaw mo sa atensyon ko na sa iba’y nakatuon.
Ngunit hindi ko magawa. Para bang may nakakabit na mabigat na bakal sa aking paa. At nagsasabing dahan dahan lang. Unti untiin mo.
Dahil hanggang sa huli may natitira pa ding pag asa.
Pag asa na ako na lang pala ang mayroon.
Tanung ko ngayun sa aking sarili.
Bakit pa kita nakita? Kung sa ilusyon ka na lang makakasama?

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko nakita ko na lang ang aking sariling nakabaon sa maling panahon at pagkakataon.

Huli na ng napansin ko ang magulo at sala salabit mong mga sangay. Kasing gulo na nararamdaman ko pero huli na. Nabulag na ako. Nabulag sa katotohanan na ang isang tulad mo na kakaiba at spesyal ay di magbabago kailanman. Totoo ngang nakakabulag ang saya..

Paano ba nagsimula ang lahat.
Parang nung una ang labo at ang gulo sa realidad ang nararamdaman ko.
Biglang isang araw nagbago.

Paalam at salamat.
Sa sayang pansamantala lang pala.
Paalam at salamat dahil sa maikling panahon man. Ngunit yung markang iniwan nun ay mananatili dito sa puso ko.

[2017.01.03 – 5:53]


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments