How Can I Unlove You?

by CNM | shared on He Said, She Said |

Paano ko sasanayin ang sarili ko na wala ka?

Paano ko sasanayin ang sarili ko na hindi na ako ang mahal mo?

Naging masaya naman tayo. Naramdaman ko naman na minahal mo ako ng totoo. Pero bakit sa napakaikling panahon na nawala ako ang bilis din naglaho ng pagmamahal mo?

Ganun lang ba kabilis kalimutan lahat? Lahat ng pinagdaanan at pinagsamahan natin? Tinanong kita kung ano’ng nangyari. Sabi mo hindi mo alam, bigla na lang. Biglang nawala ang lahat ng nararamdamn mo sa ‘kin na pagmamahal. Bakit ganun? Bakit ang bilis?

Papaano naman yung tayo? Di ba sinabi ko namn sa ‘yo, walang AKO kung walang IKAW. Nagsimula na kayong bumuo ng KAYO. Paano naman yung AKO?

Masakit na masakit na.

How can I unlove you?

How can I make all this pain go away?

Sana man lang tinuruan mo ako kung paano ka kalimutan.

I hate myself for loving you so much. For loving you too much, kahit pa sinabi mo na sa akin na hindi mo na ako mahal.

Paano na?


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleSa Una Lang Pala
Next articleIkaw na nga ba?