Imulat sa Katotohanan o Piliing Magbulag-bulagan?

by Kristina Barrios | | shared on He Said, She Said |

Lahat ng desisyon, dalawa lang ang maaaring pagpilian.

Sarili’y imumulat sa katotohanan o pipiliing magbulag-bulagan.

Kakapit sa mga pangako niyang hanggang dulo kayo’y magsasama o bibitaw dahil pagod ka nang umasa at parang di naman talaga kayo para sa isa’t-isa.

Maniniwala sa salitang “Mahal, ikaw lang talaga” o sarili mo naman ang papakinggan at sasabihing “alam kong di ako nag-iisa, alam kong merong “siya” at alam kong di ako ang pinakamahalaga.”

Bakit di natin sila maiwan at pinipili parin ang una sa pagpipilian? Minsan malinaw na sa atin ang lahat pero bakit mas ninanais parin nating masaktan?

Tapos dito na papasok ang paghihinayang, mga sana at sayang, magsisimula na kayong magsisihan. Sisisihin mo ang sarili sa mga oras at araw na nagdaan. Sisihin mo siya sa mga pagkakataong di ka niya ipinaglaban. Sunod ang sumbatan. Isusumbat mo ang mga nagawa mong sakripisyo para matabunan ang iyong kasalanan. Gustuhin niyo mang iligtas ang inyong pag-iibigan pero huli na ang lahat, wala na kayong babalikan.

He said: Wala na ba talagang pag-asa? Wala na bang second chance? Promise, this time iingatan na kita at papahalagahan.

She said: Haha. Second chance? Hindi tayo si Popoy at Basha para mag gagaganyan. Pangako? Na naman? Sana noon mo pa yan ginawa. Sana noon mo pa yan pinatunayan. Pagod na ako, ayoko nang masaktan.

Gayunpaman, wag kang mag-aalala. Wag kang mawalan ng pag-asa. Wag kang matakot na baka wala ka nang ibang makita. Hindi bulag at bingi ang ating Panginoon. Alam niya ang hirap ng iyong kasalukuyang sitwasyon.

Lagi mo lang tatandaan na may biyaya lahat ng sakit, lahat ng pait tiyak may kapalit. Bitawan ka man ng lahat ng mahalaga sayo, asahan mong nakakapit sya ng mahigpit sa mga kamay mo. May karamay ka, may kasama ka, di ka nag-iisa.

God bless!


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments