Kalungkutan

by Mylene Palo | shared on He Said, She Said |

Akala ko’y kaya ko nang ikaw ay iwasan,
Inakalang puso’y hindi kayang paglaruan
Hinahalintulad sa bato ng ilang kaibigan
Patuloy sa pag-iwas kung puso na ang labanan.

Nagsimula na nga tayo sa simpleng biruan
Biruan na nagkapuwang sa pusong manhid lang
Akalain ba namang puso ay aasa lang
Walang patutunguhan pag-ibig na inilaan

Sinimulan kung pigilan baka sakaling maiwasan
Damdaming nagpupumiglas sa talastasan idinaan
Gumawa ng tulang “MAHAL KITA….PAALAM…
Sakit na nararamdaman sa tulang ito idinaan

Dumaan ang mga araw, linggo, at mga buwan
Wala nang narinig sayo kahit munting paramdam lang
Nawala na rin sa ‘tin ang biruan, kulitan at tawanan
Sa aki’y naging pormal, bakit sa iba’y hindi naman

Ayaw ko ng masaktan pa at puso ay masugatan
Kaibigan lang talaga bulong ng puso’t isipan
Naging hungkag ang puso ko sa tunay na pagmamahal
Hinahanap ang sarili saan nga ba matatagpuan?

Ngayon nga’y nagpasya ng wakasan ang kalungkutan
Umaasang maghihilom sugat nitong pusong nasaktan
Nagsawa sa paghihintay sa pag-ibig na inaasam
Sapagkat alam ko nang ako sayo ay wala lang.

Hindi alam anong mali, saan nga ba nagkulang?
Katanungang hanggang ngayon kasagutan ay naasan?
Marahil nga katanunga’y hanggang sa puso’t isip lang
Kasagutang inaasam baka sa huli’y umasa lang

Sa huli’y tanging hiling, ako sana’y pakawalan
Hirap man sa paglimot, nais ng mawakasan
Pusong labis kung magmahal, tinanggap na ang hantungan
Pasasalamat tanging sambit kahit pa nga sobrang nasaktan


Feel free to send in your poems (English or Tagalog) via message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one. He Said, She Said Philippines reserves the right approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments

SHARE
Previous articleWalang Tayo
Next articleFall