Larong Pitik Bulag

pitik bulag
pexels-photo-3653108

HeSaidSheSaidPH.com | ni Jamie Anne Nicolas Tabuyo

Ang istorya natin ay parang larong pitik bulag.

Sapagkat kung di ako mangangahas na pitikin ka, di mo magagawang alisin ang palad mo na tumatakip sa mapupungay mong mata.

Gaya ng kung di ko ipapakitang mahalaga ka sa akin di mo makikitang gusto kita. Kaso sa larong ito, di kailanman nagtugma ang mga daliri natin gaya na rin ng nararamdaman natin sa isa’t isa.

Gusto kita kaso may mahal ka na pa lang iba.

Sa larong pitik bulag man o sa pag-ibig alam kong ako palagi ang talo.

(Visited 3,346 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments