Lumang Aklat

by Karell Ann Cristobal Sanchez | shared on He Said, She Said

Sa isang silid aralan, may makikita kang lalagyan
May nakaukit ditong pangalan at ang ating nakaraan ang pumasok sa isipan
Pamagat ng aklat na aking nasilayan ay nag lalarawan ng ating samahan
“Ikaw at ako” na matatawag na lamang na “dating tayo”

Panandaliang huminto sa aking kinatatayuan
Humila ng isang bangkuan, na alam kong ako’y magtatagal
Habang pinag mamasdan ang aklat na ngayo’y nasa aking harapan
Halong takot at kaba ang aking naramdaman

Pagbuklat ng unang pahina lumang larawan ang bumungad
Sabay nito ang pag tulo ng luha sa aking mata
Mga luhang daig pa ang nasa karera
Mga matang napalitan na ng saya ngayon
ay napalitan ng sakit na nadarama

Napaisip ako kung tama ba
na ipagpatuloy ko pa ang pagbuklat ng mga pahina?
Akala ko nung una kaya ko na,
ang mga akala ay isa palang haka haka
Iniisip na tama na ang mahabang panahon
upang makalimutan ka
Umaasa ako na sa aking pagbabalik,
wala ka na dito sa puso’t isipan

Sa bawat yugto ng buhay ko
naging komplekado ito ay dahil sa’yo
Sa paglipat ng pahina ng aklat
Tanging alaala mo ang makikita ko
Nakaukit ang salitang “akin ka, sa ‘yo ako”
na ngayon ay nangangahulugan na lamang na “wala ng tayo”

Mga pahinang pinuno ng alaala,
natatandaan ko pa nga una tayong nagkita
hindi maipaliwanag ang nadarama
tanging lumang aklat ang aking kasama
Isinulat ang masasayang alaala,
na ngayo’y isang pantasya

Masakit isipin na ang aklat na dating kay sigla
tinanggalan mo ng buhay at halaga
Ating pinuno ng masasayang alaala
Ngayon ay binabalewala mo na
Tanging alikabok na lang ang makikita
kung sakaling linisin at ituloy ang istorya
sigurado akong manunumbalik ang dating saya
Tulad na lamang nating dalawa,
na sana ay maipag patuloy pa ang pagsasama

Kahit na alam ko na ang aklat ay ating nakaraan
Mananatili na lamang na alaala nating dalawa
Mugto na ang aking mga mata
at nakita ko ang huling pahina na umaasa na sana
ay hindi dito magwawakas
ang kahapong sinimulan nating dalawa

Isasara na ang lumang aklat na ngayo’y magpasyang aalis na
Akmang aalisin ang luha na nasa aking mata
Laking gulat ko na makita ka,
sa di kalayuan at ika’y masaya ng may kasamang iba.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments