Mahal kita pero, sikreto lang!

by composishinko | shared on He Said, She Said |

Dugdug dugdug dugdug
Noong una’y normal, walang halong bilis.
Dugdug dugdug dugdug
Sinundan pang muli at normal parin.
Walang halong kung ano, nasabi kong ordinaryo!

Dugdug dugdug dugdug!
Napapadalas ang pagdama sa tibok.
Akala ko nababaliw ako! Tss! Normal parin pala!
Araw-araw dinadama tibok nitong puso, nagbabakasakaling,
bumilis at magkusang matanto ang mga bagay gaya sa tele serye!

Isang lingong dugdug dugdug!
Normal ang lahat!
Hayyyssss! Takot mabago ang dugdug, ngunit sabik maranasan!
Minsan silang nag-aya, ako ay napilitan! Palibhasa’y LIBRE!
Hindi inurungan dahil LIBRE! Shemmmaay! Bawal mag-inarte!
Anak ng matapang! COFFEE SHOP ang dinayo!
Dugdugdug dugdugdug!
Sa unang higop, Ayos amg lahat! Sinundan ng ilan pa hangang sa nakalahati!
Saka nadama ang mabilis na sigaw!
Sumisigaw ang damdamin, pilitin mang iwasan hindi nagbabago!

Mayroong kung ano saking loob!
Napagtanto kong ito pala’y halos dekada nang namalagi!
Anak ng tokwa’t baboy! Anak ng puto’t dinuguaan!
Sa ilang higop kayo’y tahasang lumabas at nagsumigaw!
At nasambit ang ilang katagang….
MAHAL…….ang bigas!
MAHAL……ang gluta!
MAHAL……ang isda!
At sa huli’y MAHAL KITA!

WHOOOOO!!!!!! Barako!
Kailangan ko maging BARAKO! Upang harapan kong maamin!
Mahal kita! Mahal kita! Mahal kita!
Tatlong ulit kong uulitin upang madama mo na ito ay tunay at sinsero!
Perooooooo! Isang malaki at mahabang PEEEERRROOOO
Ang sa aki’y nagpreno, natatakot ako!
Nakakatakot baka ako’y tawanan lang!
Nakakatakot na baka ako’y bbalewalain!
Nakakatakot na baka ako’y iwasan!
Nakakatakot na naka ako’y pandirihan!
Higit na nakakatakot ang malamang KAIBIGAN lang at hangang dun lang talaga!

Heto ako ngayon pinipiling itago ang pag-ibig ko sayo!
Oo! Sayo! Hindi ako BARAKO na matapang!
Takot akong masaktan!
Hindi ko ipaglalaban ng harapan, basta’t sa puso ko ikaw ang panalo!

Sabihin nyong isa akong baliw,
Ayos lang basta’t mahal ko sya!
Ikaw, ako, sila at tayo lang ang may alam!
Kungsakaling mabasa niya ito WHOOOO!
Sana handa na syang mahalin din ako!


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments