Muntikang Pag-ibig

by Sharmilen Alcazar | shared on He Said, She Said |

Baby, sinabi mo sa akin na mahal mo ako, at hindi mo kaya na hanggang magkaibigan lang tayo.

Nung mga panahon na pilit kong sinasabi sa ‘yo na maging magkaibigan na lang tayo, hindi ka pumayag at sinabi na hindi mo kaya.

Pumayag ako na ligawan mo ako, pumayag ako na patunayan mo na mahal mo ako, pero bakit nung mga oras na mahal na kita, yung mga oras na masaya na akong kausap ka at handa na kitang sagutin, bigla mo nalang sinabi na, mahal mo nalang ako bilang kaibigan?

Sinabi mo pa na, buong buhay mo ay naghihintay ka na, at pagod ka nang hintayin ako. Bakit ganon?

Sana hindi mo nalang ako pinilit na ligawan, sana pumayag ka nalang na maging magkaibigan tayo. Masakit kasi eh. Kung kailan mahal na kita, kung kailan na handa na ako na maging tayo, bigla ka nalang sumuko, napagod.

Sinubukan ko na kausapin ka pero ayaw mo makipag-usap.

Ngayon, okay na tayo, ang sweet natin sa isat-isa pero wala ang salitang “tayo,” dahil natatakot ako na kung kailan mahal na mahal na kita bigla ka nanaman mawala.

Huwag kang mag-alala, hindi ako umaasa na magiging tayo dahil tanggap ko na, na hanggang magkaibigan lang tayo.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

Comments Go Here ▼

Comments