Pagtatagpong hindi inaasahan

by Von Sheila Escario Palada | shared on He Said, She Said

Pagtatagpong hindi inaasahan.
Pagtatagpong nauwi sa pagkakakilanlan.
Pagtatagpong naging dahilan upang puso ay mabuksan.
Pagtatagpong hatid ay maraming karanasan
upang isip at pusoy tuluyang pakawalan
Sadyang lahat ay may dahilan kung bakit
ikaw at ako’y lubosang naging magkaibigan
na nauwi sa pag-iibigan.
Pero malupit ang ating mundong ginagalawan,
sapagkat nakatadhana na tayo’y lubusang magkalimutan.
Kaya sa panibagong hakbang na ating sisimulan
sana’y sabay nating lisanin at limutin
ang sakit na dulot ng nakaraan.

Sana sa panibagong bukas
ikaw at ako’y tunay na magwakas
Sugat ay maghihilom sakit ay lilisan ng tuluyan.

Kaya naman sabay nating sisimulan
ang panibagong yugto sa magkaibang daan.
Hindi man natin sabay tatahakin ang landas
na minsan ay sabay nating pinagarap at hinangad,
masakit man na isipin na minsan
ay sabay tayong nangarap at nangako na iingatan
at pangangalagaan ang bawat isa hanggang sa dulo
walang sukuan, ngunit tila
hanggang sa panaginip na lamang
dahil sabay nating binitawan mga kamay
na minsang naghawakan.
Kaya hanggang dito na lamang
‘wag nating pahirapan
Sapagkat lubusan ng nasaktan.


Feel free to send in your love letters, poems, essays or messages (English or Tagalog) via private message on our Facebook Page. We’ll review them first before deciding to post. Postings are done as often as we can. If they’re not posted yet, either it took too long to post or it was rejected, please send in a new one.

Chosen contributions are posted on the site http://HeSaidSheSaidPH.com

He Said, She Said Philippines reserves the right to approve or reject submissions for posting.

(Visited 1 times, 1 visits today)

Comments Go Here ▼

Comments